16 Januari 2012

Anak - Freddie Aguilar lyrics

All the lyrics are property and copyright of it's owners.

Anak
nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang Nanay at Tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

       Sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
       Sa pagtimpla ng gatas mo
       At sa umaga nama'y kalong
       Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
                                                                       
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

       Hindi mo man lang inisip na Ang
       kanilang ginagawa'y para sa iyo
       Pagka't ang nais mo'y masunod ang layaw mo
       'Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak,
ba't ka nagkaganyan?"

       At ang iyong mga mata'y
       biglang lumuha Ng 'di mo napapansin
       Nagsisisi at sa isip mo'y
       Nalaman mong ika'y nagkamali

       Nagsisisi at sa isip mo'y
       Nalaman mong ika'y nagkamali
# Freddie Aguilar #